Darice's First Day of School
I didn't know who was more excited, me or Darice. ^_^ Siyempre, ibang phase na naman ito ng pagiging mommy. I was anticipating [er, Britney? heheh] a different kind of experience kasi I would be letting go of Darice for a couple of hours, and she would be letting go of me, too. I know, I know, madalas ko rin naman siyang iwan sa bahay, pero iba yung school eh. She would be 'on her own', interacting with different types and kinds of people. Ang hirap pala. I felt like checking up on her all the time. Well, okay lang yon kasi all of the mommies were there din naman eh. Mga nervous stage moms heheh.
Darice looked so ... different. Hindi na talaga siya baby. Haay... tapos grade school, tapos high school [dreading it.... lagot], and then college! Tapos, magpapakasal na siya. And then magkakaanak. Or anak muna bago kasal hehehe! Noooooooh!!!!!!!!!!
Mom bought her some of her stuff. Some socks, pangkikay, school stuff like her expensive Faber-Castell colored pencils, and an uber-cute PowerPuff Girls lunchbox. Siyempre nung inuwi ni Tuloosee eh mega-inggit naman tong si EJ. Sorry ha pero ambivalent lang talaga ako sa batang iyon. Or siguro sa kakaibang ugali niya. Ah, ewan. [Frankly, naaawa ako sa kanya minsan kasi parang... um, napapabayaan siya... more on that later]. Anyways, we bought school shoes for Darice sa Sta. Lucia for tadan... 350 pesos only! What a freaking bargain talaga...! And hindi naman siya low-quality kasi it looked sturdy... and uber-cute! Super love nga ni Darice yung shoes niya eh, lagi nyang 'sinusukat'! "Mama, sukat ko shoes ko ha" siguro every 30 minutes ^_^ Yung uniform niya, pina-repair namin kina Mommy kasi super lawlaw sa kanya. And nung na-repair na, perfect fit siyempre, kaya superdupercute ni Darice sa school outfit niya. Happy!
So nung Monday, anggulo! As usual, napabayaan si EJ. Basta in so many ways. Parang di pinaghandaan sheesh! Walang baon, di ayos ang gamit, di man lang naipitan. Ah ewan. Now I understand kung bakit ganon si Dar. Kaya minsan naaawa ako sa kanya and tumatatag yung loob ko na mahalin siya kasi parang napabayaan talaga si Dar nung bata siya. I just want to compensate for it. Sigh.
Ang galing galing ni Darice! Happy talaga! She stayed in her seat, she counted along with the teacher, tapos nag-pray din siya. Basta, fulfilled sobra. I can't fully explain here, pero iba talaga. She made me so pround ^_^
My Second Week of School
O diba, ako naman magkuwento tungkol sakin hehehe.
There's this pretty girl sa 115 class ko. I don't know her name pero magkatabi kami nung Monday. I thought before she was kinda stuck-up, pero okay naman pala siya. Pareho kasi kami ng 115 situation, exams na lang for the semester. Basta okay naman pala siya.
Aargh, kaasar talaga. Kung hindi ako bumagsak ng 115... andami ko nang nagawang iba! Ma'm Gev asked me kasi if I wanted to be an S.A. Pero she asked me first if meron akong bagsak last sem. I had to answer with a feeble 'yes'. Kakahiya! Sabi ko na lang hahanap na lang ako ng partner ko for the SA slot para siya yung magsa-sign-up for the requirements. Oh well, sayang rin kasi yung 5 thou na makukuha ko, tapos may pandagdag pa sa resume ko diba?
Speaking of resume... Adtel sent me an email requesting for a resume. Scared naman... binigay yata ni Ester yung email add ko. Or baka si Ma'm Gev kasi dati nagsend siya ng email na meron daw offer yung Adtel for Speech Engineers. Anyways, it took me a looooong time to reply. Haay, sana naman makakuha ako ng trabaho 5-6 months from now!
Meron nga pala akong kinakaasaran sa P.E. class ko. Three girls who look kinda slutty. Oh well, bitchy na nga lang. Basta ayoko ng aura nila. Pero meron namang isang girl din who looks astig ever! Gusto ko siya! Crushee hehehe. Grabe bakit puro girls ang nasa utak ko??!! Bumabalik na naman ba ako sa pagiging lesbiana?!
Father's Day
Dapat pala ito muna. Anyways, nung Sunday Father's Day dibadibs? So punta kami sa bahay sa Filinvest. Dami ko na namang nakain shyet! May mango float pa kasi! ^_^
Napag-usapan pala about buying our new phones! I want 3650 na talaga! Akala ko kasi yung sa Plan 1000 ng SunCellular 4 thou na lang yung 3650... eh hindi! 9500 pala! Iba yung prices na nakalagay sa brochure damn talaga! Pero okay yung sinuggest ni Dar na to get the 3530 for the Plan 250 for 3500 thou tapos ipa-trade-in na lang for the 3650. All in all, 15 thou lang siguro magagastos for the 3650. Hope that's affordable enough.
No comments
Post a Comment