Di ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Two weeks has passed since my last post. And believe me when I say parang hindi lang dalawang linggo ang lumipas sa dami ng nangyayari sa kasalukuyan [nakanaman, drama ever].
There are two things making my life hectic as hell: Coe131 and Ma'am Gev.
Coe131 --> di na ata nawalan ng deliverable every week. Lagi na lang merong kelangang gawing process, diagram or outline na kelangang may soft copy and hardcopy! Tapos kelangang makipag-meet pa palagi sa mg groupmate siyempre, kasi ayoko namang porke't ako yung LEADER eh ako lahat gagawa diba? Well, most of the time ako na nga! Imbyerns. Ang hirap kasing mag-utos sa kanila or mag-assign ng mga activities kasi andami nilang ginagawa. Ako naman, with my puny 11 units eh parang free na free ang schedule. So, I'm always to the rescue . *rolls eyes* Oh well, okay lang naman. Sana lang may initiative silang umako ng trabaho. *sigh*
Ma'am Gev --> well, what more can I say. It's the Queen of Work herself. And suerte ko na naging SA niya ko diba? Dapat kasi dalawa kami ni Archie na SA ni Ma'am. Eh nabigay kay Archie yung EE274 tas magchecheck siya ng mga MPs nila. Eh napaka-haggard nun, tapos 19 units pa siya! So, nag-give up si Arch, napunta na sakin lahat ng work. Nahiya nga ako kay Arch kasi pangalan niya yung SA tas mapupunta sakin lahat nung money. Alam mo yun, naabala ko kasi siya with the requirements, etc. Hay naku, ililibre ko na lang yan one of these days pagkakuha ko ng suweldo ko.
Okay, na-segway tuloy ako kay Arch. Mahirap talaga kasi magcheck nung MPs. Hindi ko pa tapos yung HW2, may natira pa sa HW1, sinubmit na pala nila yung HW3, and magpapasa na sila ng HW4 sa monday. Okay good luck sakin, kakareerin ko na lang this weekend ang pag-check! Ito lang naman kasi mahirap sa pagiging SA. Okay lang naman magcheck ng quizzes, bantay sa exams, etc. Kering-keri, parang nung sa EEE23 diba?
Newsflash, si Sir Hizon, nasa labas ng DSP, spraying sumkindasomething hehehe... magpagupit ka na sir!
Anyhoo, I went to a job interview and exam sa Adtel nung Wednesday. Grabe ang support system ko nun ha! Si Kat parang cheerleader na sa mga encouragements. Si Ma as usual mejo stoic ang dating ng 'good luck' niya. And of course my beloved Dar's distracted encouragements. *rolls eyes* Masyado kasing busy sa pagda-drive hehehe.
I was kinda scared sa totoo lang kasi first time ko eh! I really didn't know what to expect. The exam was okay, puro psychology babble stuff, parang standard IQ test lang. We had to go back for the interview after lunch so nag-meet muna kami ni Kat. Adtel kasi is in Benpres, which is just beside Tektite, where Kathy's office is! So yosi muna, ngarag ever ako hehehe ^_^ Actually mejo naging kalmado ako after being with Kat. Ang galing talaga ng nicotine magpa-kalma hehehe.
The interview went well naman, I think. The job is for immediate hiring na, in just half a month, if you're accepted, they'll hire you na. Eh I have classes pa kasi, imbey. Feel ko kasi mataas yung chance ko na matanggap eh. The position that I'm applying for is "Speech Applications Developer Engineer"... whoo, mouthful. Eh hello, diba Speech group ako sa DSP? Tapos ang hinahanap talaga nila, may background sa DSP. Sayang lang talaga ever diba? Ang ayaw ko lang na nangyari is that nag-stutter na naman ako! Aargh! Imbyerna!
Okay, yosi break muna... Toodles!
No comments
Post a Comment