I'm back from my yosibreak... haay, ang sarap talaga mag-yosi! ^_^

Gradpic ko na tomorrow. I still haven't decided on what my creative shot would look like. May sinuggest na creative shots si Archie, like confetti, dress up like an angel, or as a devil. Pero di kasi masyadong swak yun sakin eh. Hello, angel?! Devil puede pa siguro, pero di ko ata keri yon eh. Yung confetti naman parang ang hirap kasi kelangan ng timing. Meron naman kasi akong idea of using shades and making arte poses na lang sana eh. Tapos yung mga accessories ko yung mga purple and starry stuff ko. Pero pano kung b&w yung ilalagay sa yearbook diba? Eh di di naman kita yung mga purple stuff! Ah ewan, bukas makakaisip ako ng something....... creative, hahaha! ^_^

Funny kuwento lang muna. Yung coffee vending machine ng EEE namimigay ng "free" coffee! Kasi naman, pag nagpasok ka ng piso, madadagdagan nga ng piso, pero lumalabas din yung piso! Angsaya! Nung Tuesday ko nadiscover yung phenomenon na yon, and I think I only put in 3 pesos for my 9-peso coffee. Tapos kanina, kami ni Reg, talagang sinulit yung coffee-vending-machine-bug. My coffee cost me 4 pesos lang. Tapos si Reg, naglalagay ng mga piso hanggang makakuha kami ng "free" 4 pesos. Hehehe, tapos kinuha namin uli yung pera! Nyahahah... so free yung coffee ko! Hay naku, take advantage kaya ako kasi kumain na ng 15 pesos yang vending machine na yan noh! Tatlong limang piso na kinain sakin last week, imbyerna! So, bawi lang muna ako hehehe ^_^

I have yosi buddies na pala dito sa DSP. Diane and would you believe, si Jett hehehe! ^_^ Yosi jamming kami nung Thursday last week. Feeling ko kasi never nakong makakahanap ng yosi buddy dito... kung kelan ba naman last sem ko na!

Ano pa ba? Well, mejo asar ako kay Dar this week. Kasi ba naman, para kasing walang ginawa kundi magdagdag pa ng mga kelangang gawin eh hello, parang andami na nga niyang responsibilidad diba? Tapos nagkasakit na nga nung Wednesday, aba nag-basketball pa ng tatlong oras!

And ito pa pala. Nagpunta ba naman sa Greenhills nung Tuesday while I was in my EE277 class! Di man lang nag-text or nagpasabi na andon siya! Ayoko kasi ng ganon eh. Brings back bad memories :-( Meron pa siyang kelangang review of related lit, tapos ine-expect pa niya na tulungan ko siya! Hello?! Ginapang ko kaya thesis ko without his help [well, dun sa mga deliverables ko]. Gusto ko lang naman na matuto siyang maging independent and to do his work without thinking na merong 'Shelley' na sasalo sa kanya. Ewan ko ba, he's not the man I expect him to be. Parang ang bading kasi ng attitude eh. [Sorry for the 'bading' word]

Hay, nag-inarte talaga ako Tuesday and Wednesday night. Feeling ko kasi talagang napaka-walang pakialam sakin si Dar. Di man lang niya kinamusta yung interview/exam ko sa Adtel the whole time. Tapos ako naman, worried na worried pa sa kanya. Ah ewan, lagi na lang ganon. Parang one-side love talaga. Lagi na lang akong hayok na hayok sa kanya. Tapos siya, parang keri lang na wala ako sa tabi niya. I feel so taken for granted. Parang I'm always so scared to lose him. Tapos siya, he feels he will never lose me. Ang hirap kasi nang ganon eh. Hinahayaan lang niya ako...

Pero, I had the most wonderful morning with him nung Thursday. *wink*wing* Lots of hugs and kisses, and ehem. *hihi* Shyet, baka naman nag-iinarte lang ako kasi kulang ako sa you-know-what...

Grabe na dito sa DSP! Masyado nang hectic ang mga 198-ers! Lahat feeling di aabot sa halfway. Tapos they're thinking of *violent* ways to end their predicament.... Hahaha ^_^

Okay, papa-ring ko na si Dar. Uwi na kami. Malapit ng mag-7 eh.

Toodles!

No comments

Post a Comment