ranting mode ako.


imbyerna! paking shet, ang sakit ng ulo ko!

di ako pinayagan ni dar to watch 'pirates' without him. haay. ba't ba laging ganyan?! nanood naman siya ng 'bruce almighty' kasama ng ibang eprl-boys, eh gusto ko rin namang mapanood din yon. tas ngayon hindi ako puedeng manood? dapat puede rin ako, hmp!!!

eh pumayag na rin akong wag na lang sumama. besides, sabi niya, manonood na lang daw kami mayang gabi, or tomorrow. haay, asa pa kaya ako? lagi namang merong mas importante na kelangan siyang asikasuhin eh. makakalimutan na naman ako.

orlando, gusto na kitang mapanood!


galois fields, kaimbyernahan ka rin!

pagod nako sa galois fields! ayoko na ng mga matlab commands na bchpoly, gfadd, gfmul, gftuple... etc., etc! ba't kasi walang function sa matlab na tagahanap ng inverse or determinant ng matrix of galois field exponents ha?!?! batukan ko mathworks niyan eh, kulang kulang yung mga functions ng matlab!

sana nga lang matapos ko na yung PGZ decoder, para magawa ko rin yung Berlekamp, for added credit. i don't think i fared too well sa exam ko.


ano ba talaga ang issue ko sa pera?

nag-inarte na naman ako kahapon. natapon ko kasi yung ruffles na may sticker na meron kang free pizza sa pizza hut. tas sabi ko kay dar, bili ko na lang siya uli. tas sabi niya wag na, sayang naman sa pera. so sabi ko, eh di pera ko na lang. tas ang hirit, eh di parang ginastos ko rin pera ko non.

di kaya ng powers ko yon. ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya is, wala naman talaga akong pera. walang effect yung 800 pesos a week na binibigay sakin ng nanay ko. eventually kasi ang nagagastos ko pera nya. naisip ko pa na wag na lang siyang bilhan ng gift for our anniv kasi pera naman niya yung magagastos ko, so parang timang naman na regaluhan niya sarili niya diba? naisip ko rin na di na lang ako hihingi ng pera sa kanya, or hindi ko tatanggapin yung pera na iaabot niya. lagi kong sasabihin, magwi-withdraw na lang ako o kaya may pera pa ako, nagwithdraw ako kahapon.

gusto kong i-fry ang pride ko!

No comments

Post a Comment