si dar nagseselos!

which is the funniest thing talaga!

ok, ganito yon. nung wednesday, meron siyang basketball practice hanggang 9. eh since asa u.p. ako non [kasi dapat may exam ako the next day sa 115 eh pinostpone ni sir loony imbey!] para mag-aral sumabay na ako pauwi. so kain kami ni jett, drive-thru sa jollibee. neways, nag-yosi kami sa rooftop. tapos on our second yosi, nagpa-ring na si dar. sabi ko wait lang. tas tinawagan ko siya, and ang nasabi ko nasa dsp ako. siyempre ba't ko sasabihin na asa rooftop ako, eh di ba nga nagyoyosi ako.

aba, after a few minutes, umakyat si dar sa rooftop. and man, the face. galit na imbey na asar. oh my god. sabi ko sa kanya, "sinamahan ko lang si jett". which is true, right ^_^

and then, pag-uwi sa bahay, third degree, man. andaming tanong. ba't ko daw sinabi na nasa dsp ako pero wala naman. tapos sino daw yung tinetext ko kanina. ano daw ginagawa namin ni jett sa rooftop. the usual paranoid questions.

which, on my part, was very funny. i was really laughing inside. di ko kaya. si dar, nagseselos?!? i wanted to roll on the floor laughing my butt off.

ito lang naman kasi eh. i just wanted to hide the fact na nagyoyosi ako. yun lang po.

tas si jett?!? hello?!?! please lang ha.

and then kahapon, my god, andami pa ring tanong.

"bat ngayon ka lang?"..."akala ko ba mabilis lang class niyo?"..."eh ba't huli kayo, diba dapat third?"

maryosep, mas malala pa sakin magtanong eh.


eh anong feeling mo? ang ganda mo?!

oo bakit? ^_^

hindi, noh. actually it was kind of unnerving. ganon ba ako? pero kasi naman, i was doing nothing wrong naman eh. i never cheated on him. so it's so weird na he's acting so paranoid all of a sudden.

this is dar. super-ober-da-bakod-confident of himself. na mahal na mahal ko siya. na kahit anong gawin niya eh andyan pa rin ako sa tabi niya.

*dumaan si sir hizon*kilig*

and biglang selos mode siya. weeiiiird.

pero, in fairness, ang sarap niyang lambingin ngayon ha. kasi nafi-feel ko na na-appreciate niya yung lambing ko. and nagrerespond siya. ^_^

i should make him jealous more often ^_^

No comments

Post a Comment