Mga Kuwentong Laboratoryo
ONE The Tale of the Angas
I will hide him by the name of BeefJerky.
BeefJerky is a big pain. We have a machine problem, and he keeps asking me questions about it. As in, palagi. One time, he wanted to see my code.
Di ko dala yung code ko eh. Ok, so I lied. My code was in a diskette in my bag. Ang laking abala kasi na kukunin ko pa sa bag ko para lang makopya niya yung ginawa kong code.
And guess what he muttered under his breath (as caught by Archie)?
Damot.
Punyetang kakapalan ng mukha.
And so there I was, torn between sharing my code with BeefJerky because ayokong masabihan akong madamot, or just be plain selfish kasi ayoko sa kanya. Ayoko talaga sa kanya eh. Napaka-user-friendly.
The next day, tanong na naman siya ng tanong. Eh kung madamot naman pala ako eh di dapat di ko na lang ine-entertain yung mga tanong niya diba?!? Pero hinde eh, sinasagot ko naman ng matino. Pinahiram ko naman yung Friends sa kanya. Madamot ba yon, ha? Ha?!?
Okay, it seems that I'm *quite* affected by this "damot" issue.
Eto pa, lalo lang akong naasar kay BeefJerky nung Saturday. Nag-text ako sa kanya, asking him if magche-check pa rin si DocM ng MP that day kasi he moved the deadline for Tuesday. Aba, ang text back, Email: joel@.... Very helpful indeed.
Tapos pagdating ko sa school nung Saturday, kinuwento sakin ni Reghz and Archie na nagpakadamot sa knowledge tong si BeefJerky kay Andrei. Parang merong tinanong about bchpoly si Andrei, and ano ang sagot ng napakayabang na BeefJerky na yan? Type mo: help bchpoly
Punyeta, nung siya yung nagtatanong sakin ng bchpoly eh dinemonstrate ko pa sa kanya yon! Tapos nagmamagaling siya kay Andrei?!? Aargh, gusto ko ngang hanapin si Andrei nun eh, and tulungan siya sa MP niya.
Kaasar diba? (Or as Darice would say, dabah?) When he needs help, he wants to be helped out. If you can't deliver, he'll say nasty things behind your back. Hell, right now, I'm saying nasty things behind your back, too, BeefJerky!
Buti nga kay BeefJerky at hindi recursive yung ginawa niyang determinant and inverse functions. Ha! Malamang si Andrei, magagawa niya yon eh. Hahaha, in your face, BeefJerky!!!
TWO The Curse of the Key
I will never, ever, hold the lab key again. Everytime I touch it, I'm cursed.
Exag, pero mejo totoo. Nauwi ko po yung susi last Tuesday. The day before the monthly meeting. Ibig sabihin, mababalik ko yung susi on the day of the meeting.
Tuesday night, my head was reeling with thoughts of Ma'am Gev berating me in front of everybody in the lab. I begged Dar to take me to school early so I could bring it back to the guard. I called up Reghz, and sabi niya, sila na daw bahala sa lab. Pero di pa rin ako mapakali! The key, I had to get it out of my sight!
Exag uli, hehehe. Pero naibalik ko naman without too much fanfare. The guards were also worried hahhaha.
Nung meeting, parang lahat ng rules na-violate na eh, except yung bringing non-lab SA's inside the lab. May kumakain pa rin naman sa loob ng lab. May nag-oovernight ng walang paalam. And of course, the dreaded key. ^_^
No comments
Post a Comment