Yosi: 5
Kape: 2
Pagkain: Carne Norte Hot and Spicy, konting Saucy Mi, around 5 BluSkies crackers, konting ramen din pala.
Obviously, kaka-merienda lang namin. ^_^
Andami kong kelangang gawin! I have to finish documentation for CoE131, tapusin yung pagcheck ng MPs for EE274 and mag-e-exam na naman daw kami sa CoE115 sa Thursday. Good luck, kasabay niya project presentation sa 131 diba?!? Tas yung mga quizzes sa CoE121 di ko pa nachecheckan. Tas dapat this week matapos ko na rin yung pag-aayos ng mga files ni Ma'm Gev....
Kaya pa ba ng powers ko 'to?
The 5th Anniversary
So, ano nga ba ang ginawa namin for our anniversary? Hehe, last post ko about our anniv, ranting mode ako na baka sa Sta. Lucia lang kami pupunta. Dun nga kami. In fairness, sa DonHen kami kumain, and diba hindi naman yon sa loob ng Sta.Lucia? *rolls eyes* Anyways, at least natikman ko ang super sarap na seafood pasta nila. Andami nga ata naming na-order ni Dar, meron pang buffalo wings, pizza, mozzarella sticks *yum* kaya nabondat na lang talaga kami sa busog.
After that, nagpunta rin kaming Sta. Lucia. San pa kami diba? Wala lang stroll ever, tingin sa mga computer shops (duh? san pa ba magwiwindow-shop si Dar diba?). One good thing was yung sa Watson's hehehe. Bumili kami ng mga pampa-beauty namin. Opo, namin, kasi si Dar din bumili rin ng mga kaartehan sa katawan. Ay, sa buhok pala, kasi bumili siya ng hair color. Ay hinde! Bumili pala siya ng tweezers! Yon, yun nga binili niya. ^_^ The good thing about that trip to Watson's is that nakabili ako ng CitreShine shampoo with free conditioner. Kung puede lang akong maging testimonial for that product, gagawin ko for free. I swear, lumambot buhok ko! (para talagang commercial noh?)
The bad thing about this whole day is that nung gabi, when I was expecting some *ehem* lambing, eh tumutok lang siya sa computer and nag-Ragnarok.
Ansaya diba?
And, nung humirit ako na Dar, tama na yan..., ang sagot niya, Naglalaro lang naman eh.
Punyeta eh fifth anniv natin eh! Pero siyempre good luck na lang kung sabihin ko yun sa kanya diba? Eh di mapipilitan lang yung *ehem* lambing namin. Who wants that naman?
Ano Ba Ang Pinoproblema Ko?
Ano nga ba? Naiirita kasi ako sa katamaran and ka-walang-effort-an ni Dar eh. Nung Wednesday, tinatanong niya kung saan ko gustong kumain. So, after some pagmumuni-muni and discussion, sa Shakey's na nga lang. Gusto ko kasi ng mojo potatoes. Tas nakita namin na palabas na yung Once Upon A Time in Mexico. So we were gonna eat, then watch the movie.
Tapos sabi niya sa iba na lang kami kumain kasi ang hirap naman daw na lalakarin pa namin from the old building yung Shakey's tapos punta kami sa new building to watch the movie. Watdafuck? Diba, anong klaseng effort yan? Tatanungin mo ko kung san ko gustong kumain, tapos sa iba tayo kakain? Imbyerna. Sinabi ko na nga sa kanya na siya na lang pumili kung saan kami kakain kasi more than likely eh mag-iinarte siya dun sa pipiliin ko. Tas sabi niya, sige ako daw pumili. Tapos, tatamad siya ngayon kumain don. Pakdisheet talaga.
Everytime na lang ganyan siya. He is so full of himself. It's either, masyadong malayo (kina mommy, sa ibang malls, sa gusto kong puntahan), masyadong mahirap (gumawa ng proposal, proposal presentation, magbasa tungkol sa project niya), masyadong abala (pahatid, pasundo, paggawa) lahat ng bagay na may connection sakin na para bang ano ba? Girlfriend mo naman ako ah!
Or is it me rin ba? Marami lang ba akong ine-expect from him? Masyado ba akong maraming pinapagawa sa kanya? Isang malaking abala lang ba talaga ako?
Pero pakdisheet naman eh, pag ibang tao ang humingi sa kanya very accomodating siya. Pag sakin, andaming reklamo. *hinga ng malalim*
Tama na nga. Maasar na naman ako niyan eh.
My Sister-In-Law-To-Be's Wedding
...is totally driving me nuts!
Everytime na napag-uusapan yung catering, yung damit, yung invitations, yung reception, yung motif, a voice inside me is shouting, Pakingshet, ba't nauna ka pa sakin?
Tapos everytime na lang, merong reference sa *kasal* namin ni Dar.
Dun na lang sina Shelley. [regarding a wedding venue]
Iwan ko sa'yo lahat ng wedding brochures ha para pag kayo naman ni Dar meron ka nang mga brochures na na-canvass.
Wala na akong maisip na iba, pero marami pang iba eh. Minsan, gusto ko na lang mag-disappear pag napag-uusapan yung kasal eh. Naasar kasi ako na nalulungkot na napapahiya na ewan. Sila pinagkakagastusan nila kasal ni Ate, eh diba dapat gastos yon ng lalaki? Pagkatapos naming magdecide ni Dar na huwag munang magpakasal kasi nga ayaw naming gumastos yung nanay niya, tapos papagastosin din pala siya para sa kasal ng ate niya? Hindi ba parang napapahiya naman ako non kasi I'm not good enough para pakasalan agad?
commercial break: Katatawag lang ni Dar and pinapababa na niya ko para pagdating nya sa EEE eh andun nako sa baba. Sabi ko akyatin na lang niya ko. Alam mo kung anong sabi? Eh. Aakyat pa ko? Watdafuck naman diba? O yan, katetext lang wait lang daw, akyatin na lang niya ko. If I were my paranoid self right now, I'd be thinking he's doing something behind my back.
Anyway, as I was writing kanina...
Two nights ago, niloloko niya ko. Kasi yung HR ng Azeus, Tan yung surname, and nakakatawa daw if ever hanapin ko siya over the phone, tapos magpapakilala ako. Tas sabi ko sa kanya, Dapat kasi maging Dela Cruz nako eh. Tas smile lang siya. And I asked him, quite seriously, in a very pathetic whisper, Kelan ba ako magiging Dela Cruz? And he hugged him and just said, Sorry.
Yun lang? Yun lang masasabi niya? No words of comfort? Wala man lang assurance? Sorry lang? Sorry's not good enough anymore.
It all boils down to one question:
Lahat ng pag-iinarte ko, lahat ng rantings ko, lahat ng mga paranoid thoughts ko, sa dinami-dami na ng na-yosi ko, ito lang naman ang pinaka-pinaka-question-that-needs-to-be-answered eh:
Am I not good enough?
No comments
Post a Comment