Yosi: 0... last time with Tracy nung Monday mga less than 10 siguro ^_^
Kape: 1
Libro: One by Richard Bach! At last, nakahanap na rin ako ng kopya! 185 bux dun sa used bookstore sa S.C.
Angas: Marami... umpisahan na natin sa...


My Mom Thinks (she actually told me) That I'm A Bad Mother

Just because Darice's kuliti has progressed to a big fat lump on her left eye. And baka ma-operahan na yung mata niya.

Aargh. Eh anong magagawa ko eh talagang ganon yung nangyari. Maiiwasan ba yon? Eh kung hindi naman ooperahan eh di kakalat na. Inasikaso ko namang mabuti yung mata niya, I did what the doctor told me. Kahit naman na-ipatingin ko sa doctor uli ng mas maaga yung mata niya, ganon din naman yung progression ng kuliti niya. It had to develop like that, you can't stop it from looking like that eh ganon talaga gumaling ang kuliti! Puking-inang-shet talaga.

Tapos, bakit daw ang payat. Eh hello, body type is not an indication that Darice is NOT healthy. She hasn't gotten sick for a while. She eats enough, drinks Milo everyday, and drinks vitamins. Problema kasi niya dada siya ng dada di naman niya alam kung anong ginagawa ko dito para kay Darice.

Tas sasabihin niya, ibigay ko na lang sa kanya si Darice kung di ko naman daw inaalagan. Pakingshet! God, she thinks ang galing-galing niyang magpalaki ng anak eh my two sisters just absolutely hate her (exagg.... basta, they don't like her). And look how I turned out!

Kahit kelan talaga, isang napaka-negative talaga ni Mommy. Alam na nga niyang (malamang) worried na rin ako dun sa mata ni Darice, lalo pa niya akong ipapa-down. Tapos nagalit pa sakin: bakit daw masama loob ko sa kanya na sinasabihan nya ako kung pano maging mabuting ina? Eh hello, baka gusto mong sabihin in a very nice way without making me feel like I'm the worst mom in the world! How would I go on being a mother eh feeling ng nanay ko wala naman talaga akong kuwentang nanay, and that dapat ipamigay ko na lang anak ko?

Ganyan din siya nung nambabae si Dar eh. Nagpaka-negative na naman...mapapalitan ko naman daw si Dar kahit ganito na daw ako. Watdapak is that supposed to make me feel?

Mommy, di ba kayo marunong mang-comfort?


Tapos Dumagdag Pa 'Tong Si Dar

Syempre, itong isang 'to, di rin papatalo sa negativity.

Sabi sakin makinig rin naman daw ako sa kanya tungkol sa paggamot kay Darice. Eh hello, kaya nga nag-mukhang masamang nanay ako ke Mommy eh kasi ayaw niyang ipa-doctor si Darice. Akala niya kasi what would work for EJ will work din for Darice. Na kung ano ang mag work sa isang kuliti ni Darice, magwo-work dun sa isa. Eh kitang kita na nga na tumagal na ng sobra-sobra yung isa, ipipilit pa niya na makukuha rin yon sa gamot?

Tapos huwag daw akong pa-apekto kay Mommy. Pinagsasabihan lang daw ako. Hello!!! Iniinsulto na ako ng nanay ko! Ipamigay ko na lang daw anak ko kasi walang kuwenta akong nanay! Pinagsasabihan lang ba ako non ha?!

God! I don't know why I surround myself with all these negativity!

Tapos maaasar na nagyoyosi ako.

Geez, obvious ba kung bakit?!?

Kesa naman hanapin ko pa sa kanila yung comfort na hirap na hirap nilang ibigay, eh dun na lang ako sa yosi ko noh. Buti pa yung mga kasama ko habang nagyoyosi, nako-comfort ako, sinasabihan ako ng mga positive things, na kaya ko pa, na they'll always be there for me, na they know that I can be the best. They don't have to show me the harsh reality of the deep shit I've gotten myself into; alam nila na alam ko. And they're there to help me out.

Unlike my mom and Dar, who just keep saying na "ikaw kasi..." and "dapat kasi ganito...". They just keep on blaming me! Oo na, alam ko na, tanga ako minsan, pero give me naman the benefit of the doubt that yung ibang choices ko, there was nothing I can do!

Aargh. Gusto ko tuloy magyosi.

No comments

Post a Comment