Yosi: 6 (kahapon)... ang sarap ng feeling, as in! [after 11 days of not smoking!]
Kape: 0 ... strange... pero wala kasing kape dito sa bahay eh!
Libro: Sati by Christopher Pike ... katatapos ko lang... Astig!
Angas: Erm, yoko munang mag-angas and give out negative vibes. Lalo na tonight since my head is really spinning and I can't for the life of me figure out what's making my head ache!
Friendsters: ehehehe... 102!
Aargh! Ang sakit ng ulo ko. As in pagkagising ko kaninang umaga, it was throbbing so badly, I had to lie down again. I felt like the room was spinning, and I wanted to throw up. Ops, bago niyo isipin na baka buntis ako, i-a-announce ko lang po na i just got my period last Sunday. Oki? Oki.
Anyways, sumakit yung ulo ko before I went home yesterday. I went to DSP yesterday para kausapin sina Arch regarding our Fontana outing on Saturday. Mejo na-iron out na yung ibang details. I think it was the change in temperature yesterday eh. It was so freaking hot sa labas, tas sa DSP sobrang lamig. Eh we (Drei, Arch, Diane and me) went up sa rooftop for a yosi break. So yun.
And right now, I think Dar is trying hard NOT to take care of me. Feeling ata niya it's because I smoked yesterday. Pero I don't think nakatiis siya eh, kasi he went over to my side kanina and he asked (concerned) questions kung anong nararamdaman ko, etc. Pero parang he was trying not to be near me, or be affectionate. So, siyempre ako na lang humingi sa kanya ng lambing. I asked him to lie down beside me for a few minutes, kung okay lang sa kanya, tanong ko pa. Tinabihan naman niya ako. ^_^
He's out right now. Sabi niya punta siya kay Jordan tungkol dun sa computer niya, nagtext daw sa kanya. He left his celphone dito sa may computer, and nung pagtingin ko sa inbox, wala namang message for Jordan, wala ring sent message for Jordan. I dunno. I know I'm being paranoid, pero ba't ganon diba?
Nagalit siya sakin sa Fontana nung weekend eh. Di naman daw niya kasi alam na overnight yung DSP fontana outing. Eh hello, meron bang pupuntang Fontana na hindi overnight? Di ba parang ang haggard naman nun? Tas he was laying the mother-daughter-guilt-trip na naman. Baka hanapin daw ako ni Darice. Kesyo ako lang naman ang hinahanap ni Darice. Eh punyeta, kung ako lang pala ang hinahanap ni Darice, layasan ka na kaya namin? Aargh, I wanted to shout it out to him that day. He can always leave us, he can always do what he want, he can always enjoy himself without us. Bakit ako hindi, porke't nanay ako? Eh tatay rin naman siya ah.
Pero, sometimes, I really can't blame him. He grew up without a father. How does he know kung pano ba talaga maging tatay? One time natuwa siya dun sa tatay ni Jek, kesyo parang barkada daw, etc. Sabi ko, "Ganon talaga mga tatay noh". Tas siya parang hindi niya alam na ganon talaga. Sobrang naawa tuloy ako.
Oh well. Darice is crying na naman. Ayaw kasing gumawa ng homework. Pina-supervise ko nga kanina kay Dar, nag-give-up si Dar. Sabi niya, siya na lang daw mag-abroad for work kasi di daw niya kakayanin si Darice. Good luck na lang sa'min diba? Hehehe. Ayaw niya kasi akong mag-work abroad kasi iiwanan ko daw sila ni Darice. (Pero kanina nung nagde-daydream kami about our future hi-tech home theater system, payag na siya na mag-abroad ako eh, para magkatotoo yung daydream namin hehehe ^_^)
Anyways, Darice still won't do her homework. She wants to watch TV na lang daw. Oh well, I told her that she either do her homework, or sleep na lang. Para early the next day she'll do her homework. Aargh, may pasok na kasi sila tomorrow.
Namimiss ko na ang EEE. Weird noh, kung kelan talaga umalis nako, that was when I felt comfortable with EEE.
No comments
Post a Comment