Yosi: around 5 yesterday with Trace and Ty
Kape: 1 cappucino
I'm going to Cebu! I'm going to Cebu! (done in a very sing-song voice ^_^)
I'll sing it again: I'm going to Cebu!
So sabi ni Mam Gev, she'll pay for everything na daw. We just have to help out with the Corpus. Keri lang. Kasi ang pinagawa lang naman niya sakin yung shelley-pass [which is speech/non-speech detection of the Filipino Speech corpus (which, amusingly, is the title of my thesis)]. Tapusin lang lahat ng shelley-pass ng lahat ng wavfiles. Sa totoo lang, nakakasawa na. Pero that's already worth 7000+ pesos so, keri na yon sakin. Pero may konting gopher work pa, pero okay lang yon kasi kesa naman bum ako sa bahay diba? And Mam Gev said she'll 'let me go' when I get a job na... kaiyak naman eheheh.
Yung kay Reghz, ipapa-check lang sa kanya yung mga transcriptions ng mga DSPKids. Eh nakailan naman na siya don, so kering-keri na rin niya yon. ^_^
We'll meet ng 3am on Thursday sa EEE para by 4am nasa airport na kami kasi our flight is 5am. Then we'll arrive in Cebu by 6am. Then conference na ng 10am. I'll present my paper sa Rigney Hall. 1st session kami ni Ma'm Gev eh, una siya, tas sunod ako. Malamang pagkatapos ng paper ko, balik nako sa hotel then log-tu na lang hehehe.
Pero, wait lang! Kung kay Hizon sa hapon so dapat mapanuod ko yon. Eh wait lang uli, kasama ba siya sa Cebu?!? Hay naku, kung hindi, di na lang ako sasama, imbyerna! Joke... siyempre naman chance of a lifetime 'to (parang Fontana, and more on that later) and kahit na wala si Hizon, enjoy pa rin dapat.
Ang prob nga lang is mawawala ako sa bahay ng 3 nights (almost 4 nights kasi balik namin is Saturday 10pm pa) kasi baka mag-overnight nako ng Wednesday night kasi nga very early in the morning the next day ang meeting time. Haay. Oh well, isipin ko na lang na time yon for Darice and Dar to do some father-and-daughter bonding.
Ah basta excited nako! ^_^
Achievement: I rode the MRT by myself yesterday!
Omigod talaga, alam ko for some other people di na ito achievement and chicken na chicken na lang talaga ang sumakay sa MRT, pero hello, ako si miss-jeep-and-fx-and-cab girl lang eh. Okay, so hinatid ako ni Dar sa Quezon Ave. station and by golly, andaming tao. Gazillions! Eh mga 8am non eh so talagang rush hour. Nagpadala na nga ng empty train, di pa rin ako nakasakay. Okay lang, di nako nakipag-unahan kasi di naman ako nagmamadali, 10am pa yung appointment ko sa PriNet. (and more on that later) I think naka-sampung train bago ako nakasakay. We were a pack of sardines pa rin dun sa train na sinakyan ko. Haggard. I was constantly checking on my bag, my wallet and my phone. And of course the ticket, di nako makakalabas ng MRT diba?
Wazzup wid PriNet?
PriNet kasi is one of the companies na nabigyan ng resume ko because of Mom's contacts. Yung president ng company is the husband of my mom's ka-office-mate.
It's basically a reseller of telecommunications technology, and ang biggest offering nila is free space optics communications. They use laser technology as the 'link' between the transmitter and receiver. Okay, so pang-ECE talaga siya.
Kaasar nga kasi merong fucking technical exam! Merong question don na "Write the formula for current, with a voltage source of 12 V and a resistance of 5 ohms." Kaya pa yon eh. Eh biglang merong "How do you convert an AC voltage into a DC voltage? Draw a bridged diode circuit" Watdafuck? Eto pa "Draw the following: long nose pliers, monkey wrench, box wrench, etc..." Pakingshet talaga. Mostly ECE questions eh (actually may alam naman ako dun sa iba kasi nag EEE 107 naman ako pero forget ko na yung mga yon eh) like what are microvaves, full duplex system, how do satellites work, PABX, POTS (? whatdafuck, neverheard as in !).
Anyways, not to sour grape or anything. Pero ayoko ko don eh. First, it's mostly ECE hardware stuff. Second, man, the office was sooooooooo small. Isang room lang sila in some old building in Legazpi Village Makati. No, thank you. Third, it's from my mom. Sabi ba naman niya sakin na wag daw akong magsalita tungkol sa aking pagiging disgrasyada kasi mga kakilala niya yon? (not her exact terms pero malapit na rin)
God, sana I get a job soon and on my own para di nako makarinig ng mga ganyang comments :-(
No comments
Post a Comment