Yosi: 0
Kape: 1


20 Days

Cold turkey for 20 days. I never thought I could last this long without a cigarette. And to think nagkita pa kami nina Kathy and At nung Lantern Parade.

Sabi sa Cosmo Philippines May 2003 issue, in an article entitled Cosmo's Guide to Kicking Butt by Rachel Guzman, "Cold-turkey trials have an abysmal success rate of five to seven percent since they leave the former smoker to face withdrawal symptoms ... all on her own." Hmmm... very encouraging. And there's a big chance of a relapse mamaya kasi Christmas Party ng DSP sa Pook ni Butchokoy (I can't get over the name!) mamaya, and it's a billiards place. Malamang may inuman. Malamang mapapayosi ako niyan.

Obvious bang nag-ke-crave ako ng yosi kasi wala na akong sinulat kundi tungkol sa yosi!

Lantern Parade

ANDAMING TAO! Sinumpong na nga si Darice eh, nagngangangawa dun sa Eng'g steps. Pagkatapos ng float ng Eng'g umalis na kami, and nagpunta na kami sa Christmas Party ng Yia Hall. So, di na namin nakita yung sa Fine Arts and sa Babaylan.

About the floats. AIT won the Best Float award. Rightly so, kasi astig yung octopus lantern nila and the under-the-sea theme. Astig din yung sa UP Underground Music kasi may banda sila! *headbang* Yeah! Rock on, dudes! Bano yung sa Eng'g - sorry, di ko talaga feel eh. Mas gusto ko pa yung last year na laptop.

Yia Hall Xmas Party

Twas fun naman, kahit na si Dar lang talaga ang kilala ko. I was pre-occupied naman with Darice, so di ko masyadong feel na OP ako.

Ang saya ng games and ang kulit ni Ma'am Libby! Emote na emote sa Paint-a-Picture na game! Tas sinali si Darice dun sa Ubusan-ng-Lahi game... gulat yung kabilang group eh pagbaba ng curtain hahaha *lol*

Nga pala, there was this girl there, si Stella. She came up to me and asked me if I was the S.A. sa EEE 35 na nagbabantay sa kanila sa exams. So I nodded yes and smiled, tas she introduced herself, and being the stammering idiot that I am, ang sinabi ko lang, "hello". After the party, nung palabas na kami ng Yia, nakasabay namin siya. Biglang sabi niya, "Alam mo, ang pretty mo"

Shiiiyeeeeeeeeeeet. *blush*

And of course, ang sinabi ko lang, "Gosh naman." Great comeback.

Lagi daw kasi siyang tumitingin sakin pag nagbabantay ako sa EEE 35. Shiyet, may ibubuga pa pala ako, kasi as I remember, lagi akong antukin and gutom pag nagbabantay sa 35, kasi 8-10 yung exam.

So, to change the topic, sinabi ko, "Naaalala nga kita eh. Lagi kang may jacket." Which was true, since naalala ko lagi siyang nasa harap and naka-jacket and pretty rin siya so she caught my attention din.

Whew. So napunta na sa ibang bagay yung usap-usapan. Di talaga ako marunong mang-accept ng compliment eh. Pero ako yung tipo ng tao na hayok sa mga compliments. Tulad ngayon, I'm still obssessing about what Stella said. KSP kasi ako eh. Kulang sa puri (er, in all definitions of the puri hehehe).

DSP Xmas Party

Pook ni Butchokoy. Whoa talaga. Astig talaga ang DSP ha. Di lang basta-bastang kainan sa lab, talagang maghahanap pa ng lugar para makapag-party!

Excited na'ko ^_^

No comments

Post a Comment