Another Day...

... of doing absolutely nothing!

Buti na lang mejo makulit ang mode ko today kaya di ako masyado inaantok kahit na wala akong ginagawa.

Since it's already 4:13 p.m. naisipan kong magsulat na ng blog entry kasi kung kanina ko pa 'to ginawa, eh di wala na akong ginagawa ngayon dibadibs?

So, maraming nangyari these past few days...

DSP Funday

Twas sobrang fun talaga! Grabe, enjoyed the company talaga ng DSPeeps ^_^

So, we met up sa EEE. Had Manong Jun drive by himself na to U.P. para di nako pupuntang Filinvest, diretso nakong EEE. Which I think was a BIG mistake, kasi meron daw sumkinda truck na tumaob (?) sa may intersection near Romulo, so I had to walk from Vinzon's to EEE! Pakshet, ngayon lang uli ako nakadanas ng sobrang init sa buong buhay ko!

Pagdating ko, almost everybody was there na, except for Dae and Mark (as usual). OJ and the other DSProbys went to buy some donuts pa sa Katipunan.

Shet, namiss ko silang lahat! As in! Ang sarap makipagkulitan kina Archie, Loogz, Gujel, Jor-el, France, Karla etc! ^_^

Malapit ng mag-4 when finally we started driving to Boomland. Hehe, mejo nagdetour pa kami kasi dapat sa ilalim ng flyover kami dadaan para mag-right to Buendia, pero noh, dire-diretso kami sa flyover, so we had to pass by Diosdado Macapagal Ave to get to the paintball area.

Natakot akong mag-paintball! Mala-counterstrike ang dating! Eh I'm not a fighter pa naman (I'm a lover hehehe)... Takot akong mambaril and mamaril!

Sabi pala nung manager ng place na usually it's the girls who are trigger-happy -- baril lang ng baril kahit na wala ng bala ^_^ Kinuwento pala niya na one time meron sila sa UPLB, yung ibang peeps don, nung nawalan ng bala, nakipag-hand-to-hand combat hahaha! Nanunundot ng baril and ginagamit yung lalagyan ng C02 na pamalo haahaha!

Napunta ako sa group 2 with Loogz, Amiel, Marien and Sir Jor-El -- the green team. Eh yung unang kalaban namin, group 1, they only had 4 members (di na kasi tumuloy si Sir Ian), so someone had to sacrifice and not play muna. Eh hello, grabbed the opportunity na noh, I sacrificed myself =P So mejo alalay lang muna ako ng green team. Taga-lagay ng vests, taga-ayos ng straps and what-have-you's and tagabantay ng mga bala (which looked like Maltesers yum yum =P ). Pero hahahHaha talo kami sa first game! Si Amiel casualty agad...

Between group 3 and 4 naman, talo ang group 3 (Ma'm gev, Gujel, OJ, and other DSProbys). Group 4 sina Arch, William, Leo, Mark and Gift. Nakuha kasi ni Gift yung flag (hehehe... AbuSayyaf daw kasi si Gift).

So kinalaban namin group 3 (loser's game). Hahaha... dapat babantayan ko lang yung flag, kaso feeling ko, wala akong macontribute and sayang naman yung mga bala ko kung hinde ako mamaril ^_^ Fuckshet, wala akong makita kasi sobrang nagfa-fog yung mask ko! Kaka-claustrophobic nung mask, meron pa kasing bonnet. Tapos umuulan pa, and kakasilaw nung ilaw sa field. Wala, wala akong nabaril, pero wala ring naka-baril sakin =P Tapos nakuha ni OJ yung flag =( Talo tuloy kami! Losers ang green team hehehe!

Tapos ang funny pa dito, si Jor-el ang nang-ratrat kay Ma'm Gev! Binulong sakin ni Jor-el na siya nga daw yung nakabaril kay Ma'am Gev sa may jaw. Eh si Ma'am Gev, naghahanap ng ice para malagyan yung 'hit' niya. So pinapa-guilty namin si Jor-el. "Ma'am san side ba kayo kanina sa field?" So sasagot si Ma'm. Tas sabay hirit kay Jor-el, "Diba Jor-el dun ka sa side na yon?" Hahahha... si Jor-el, guiltyng-guilty =P

Kung may loser's game, meron ding syempreng winner's game. And the ultimate winner of the DSP Funday Paintball Extravaganza is .... (drumroll) group 4! Ang funny pa kasi, nung game nila, naiwan si Karla mag-isa sa group 2, yung iba, deads na! Tapos, 'tong group 4, apat pa sila, di man lang sugurin and kunin na yung flag hahahaha! Nag-time-out pa hahaha! Survivor si Karla woohoo!

Then nagkaroon kami ng 'winners' vs 'losers' (groups 2 and 4 vs groups 1 and 3)... Hahaha... nakabaril ako! Hindi pa rin ako nabaril! Wala pa rin akong nakita hehehe. Tapos, masyado ata akong na-excite sa hit ko na namamaril pa rin ako wala nakong bala! Sinasabihan nako nung referree, "Ma'am, Sir, wala na kayong bala, tama na" pero wala pa rin, tira pa rin ako ng tira. Di ko kasi nagets kagad na ako pala kausap niya eh =P Mga nakatatlong tawag siguro siya sakin hehehe bago ko nagets na ako pala yung walang bala =P

Andaming food -- spaghetti, baked mac, chicken, donuts, pansit, pizza -- grabe, feeling ko nga di nako makagalaw sa vest ko sa kinain ko. ^_^

Grabe, na-miss ko ang kakulitan ng DSP sa pagpi-picture taking! Andaming maarteng posing! Parang fashion shoot hehehe. Si Ma'am Gev talaga the best, game na game palagi kahit anong gawin ^_^

Nga pala, I personally asked Ma'am Gev na if she could be a ninang sa kasal ko. Sabi muna niya, "Alam mo bang single ako?" Sus, okay lang yon diba! Diba?! Puede namang single ang maging ninang sa kasal diba?!?!

Haay, sana puedeng i-blow-by-blow account lahat ng kakulitan na ginawa ng DSP that day, pero baka maging mala-Band-of-Brothers na ito na merong mga war exploits ganyan hehehe...

Obvious bang nag-enjoy ako masyado?!?! Namiss ko lang talaga ang fun together with DSP ^_^

*toodles!*

No comments

Post a Comment