Yosi: 4
Kape: 2
Angas: Wala akong ginagawa!

ZzzzzzzZzzzzzZzZzzZz..

I am so bored dito sa office! *yawn*

Naisip ko magsulat na lang for my blog so that I could look like I'm busy as hell (with all my furious typing hehehe) and keep my eyes open. Konti na lang talaga, makakatulog nako dito, if not for my supreme effort to keep my head away from the table.

Anyways, konting kuwento muna. Our 'batch' went out for lunch kanina sa Oyster Boy, near the intersection of Meralco Ave and Julia Vargas Ave. Yum, yum oysters! Though I wasn't really impressed by the Oyster Cake (nope, it's not a sweet dessert, more of a torta), and the Sisig serving was quite small. Pero the best yung grilled oysters with cheese nila ha. ^_^ I was expecting na sana makapag-beer for lunch (haha, tomadora talaga eh) pero syempre, di puede. Siguro next time, I'll invite Dar there, and we could have dinner, then we could have some beers ^_^

Yan na ang pinaka-highlight sa buong araw. Dapat kasi di ko minadali yung paggawa ng docu, at nagpa-dilly-dally na lang ako para at least sana I'm still doing something productive right now. Oh well, alam mo naman ako, gustong-gusto ko talaga ang mag-docu ^_^ kaya kinarir ko na kaninang umaga.

So basically I've spent the last couple of hours trying to look for something to do. Nagsulat-sulat sa notebook about past modifications I made for programs, lahat ng variables and subroutines na dinagdag ko, nililista ko... haay so pathetic! Lahat naman yon, nakalista na sa text files na naka-file sa folder ko! Wala lang, para meron din akong puedeng tignan sa work notebook ko hehehe.

Tapos, binasa ko yung last few pages ng Angels and Demons, kasi minadali ko lang yung ending eh. Obvious naman na kasi yung mangyayari, so nagsc-scan na lang ako for dialogue and yun na lang binasa ko. So kanina, word for word ko talaga binasa.

Then, nagtext-text ako kung kani-kanino, checked my mail (sa phone ko ha, using GPRS!), made coffee, washed my cup, yosi, at kung anu-ano pa para lang bumilis ang takbo ng oras. Nagsawa na rin ako sa mga mp3's sa phone ko kasi pinaulit-ulit ko na... Pero wala pa rin. Di pa rin ako na-entertain. Sobrang boring talaga ngayong araw!

May kuwento pa pala ako. Last Monday and Tuesday, nag-PowerBuilder Training ako, with 7 other Soluziona peeps sa Transportation Building (which is another term for garahe-ng-Meco). Kasama ko si Sherwin and Mico, Archie from B.I.R. and a few other peeps from other departments. Okay naman ang PB, not so hard to understand, kasi siyempre nakapag-Java nako (ows?). The best thing was gumawa kami ng Calculator (ASMD lang naman) and Notepad (though walang functions yung menu, pero puede kang magtype hehehe). Ang saya! Sana nagawa ko yun sa Java. Kaya ko pa kaya yon?!? Hehehe... Next training days namin 2 weeks from now pa, kasi nga diba elections sa Monday.

Haaay.... ang sarap! Walang pasok sa Monday! Totally forgot nga na wala palang pasok sa Monday kasi di naman ako boboto =( God, I really hope FPJ doesn't win! Please lang po! Pero mejo hopeful na rin ako kasi close fight si FPJ and GMA eh. Pero I'm still rooting for Roco. Parang siya na talaga pinaka-okay.

Huwaw, it's already 4:48 pm! 12 minutes to go! Ay wait, 8:10 ako dumating kanina so 22 minutes to go pa =(

Ahh... di ko pa pala nakukuwento kung ano na nangyari sa party ni Darice. Ayon, daming batang nagtatakbuhan sa pool and nadudulas. ^_^ Wala namang casualties eh hehehe... I should've invited all of her classmates kasi 11 lang in-invite namin, tas 4 lang yata pumunta (pero may kasamang mga sibs yung iba). Siyempre wala si Ma and Pa pero in full force mga kapatid ko, sina Micah and Toni with Tita Jing, and sina Tatang and Janine. Konti lang rin yung dumating na twopa... and get this... wala akong friend na dumating! As in! Text pa man din ako ng text sa mga high school friends ko, and I was hoping to drop the news na I was getting married na, tapos wala man lang dumating! Wala man lang nagreply! Well, except for Naomi (she replied she couldn't make it -- so okay lang na wala siya) and Anamaine (who replied na she'll attend -- pero di siya dumating!). Si Trace may sakit, and si Kat nasa Boracay. Di ko na pinapunta DSP friends ko kasi graduation weekend non eh... so baka they were celebrating or something. Kakasad talaga, wala na akong friend! =(

Di na nga ako nakapagdecorate, gumawa pa man din ako ng sangkatutak na mga paper flowers! Nagtransfer pa kasi ako ng spag sa mga styrofoam boxes for the kids, made the hotdogs, the balloons, the inflatables, the loot bags... Whew...

Pero sulit naman because Darice really enjoyed her party. ^_^

Funday pala ng DSP tomorrow! Woohoo! Excited nako! Miss na miss ko na DSPeeps ^_^ Syempre, magdadala na naman ako ng transpo hehehe. Suki na talaga kami kay Manong Jun. Buti na lang pumayag sina Ma and Pa. Di kasi pupunta si Sir Melvin eh, so isang sasakyan kaagad nawala non. Eh 22 kami nakalista dun sa sure na pupunta. Sana nga makadala si Ma'm Gev rin, and si Paolo (whoever he is -- DSProby kasi). Di sila kakasya sa MB I'm sure hehehe ^_^

Ano ba ang Funday? Wala lang, magpe-paintball lang kami sa Boomland. Hehe, first time ever ko magpe-paintball ^_^ one more reason to get excited. And then magdi-dinner yata kami, tapos may sasagot na ng food. Ooh ang saya!

Sana nga lang makarating si Drei on time. He just texted me kanina na he had to attend a meeting tomorrow (!) so baka humabol na lang daw siya... Waah =( Wawa naman si Drei... lagi na lang overtime, tapos anlayo pa ng Baguio.

Woohoo! 5:04 pm na... 6 minutes to go na lang!

Toodles!

No comments

Post a Comment