Ten Things...

...why I cannot update as often as I want to:

1. wedding preps blog



Have been scouting the net for ideas on how the hell will I be able to incorporate my denim motif on the invitations, decorations, souvenirs, etc. I've only thought of something for the souvenirs (or kung di matuloy yon, save-the-dates na lang) and I'm still going to check with my coordinator friend kung ok ba yung idea ko. Check my updates here.


2. wall climbing

This is for the never-ending SZ sportsfest. So ganito for wall climbing, we have a speed climb, and a technical climb. Speed climb, pabilisan syempre, around 20-25 feet yung wall. Sa technical climb naman, twice yung height ng wall, around 50 feet siguro, then merong mga marked holds na kelangan madaanan/ma-touch ng player. There are 10 marked holds all in all, tapos paramihan na lang na ma-touch na holds.

As team captain of course, I have to play for our team if I can't get anybody to play. I only got 2 players, L and F, eh kelangan tatlo para sub yung isa, if ever may ma-injure. So ako na yon, kasi lahat ng tinanungan kong white team na girls eh binasted ako hahaha :D Si F na daw sa technical wall, maliit and balingkinitan kasi sya. Sa speed wall naman, pinag-usapan namin ni L: sya muna sa first game, ako na sa second game. *gulp* Kung sino man ang lalaro sa third game, and sa finals eh depende sa results ng first and second game.

So talo si L nung first game namin, pero panalo si F. So si F na talaga sa technical. L got 17 seconds, so oks na yon. So ako na sa second game. Fuck, 30 seconds ang best time ko. Haller! Ang record sa speed wall was like 16 seconds hahaha :D It took me almost twice as long to climb the wall!

So third game. Dapat L and F na uli. Then finals na, battle for third place. Oh no! Nagtext si F, it was her time of the month! *Faint* So as sub, ako na lalaro for technical! *Faint uli* [Pressure! Pressure! Pressure!]

Hahahaha... so anyways, I got to touch 6 holds before screeching out loud and letting go of the wall. That was on my second attempt, as my first attempt I fell agad when I got ahold of the 3rd rock hahaha :D

Katuwa lang sobra during my *victorious* second attempt, because *everybody* was cheering for me, as in lahat, kahit yung kalaban! Na-touch lang talaga ako! Ayun, kahit na 6 holds lang ako eh, sobrang proud sakin si L and F :)


Nga pala, games are held on different days ha... So on a span of 3 weeks yung wall-climbing adventures ko. :)

3. badminton

And would you believe we still have time to play badminton? :P We played at Olympic sa Eastwood, na mejo mahal ha kasi 250 per hour and may guest fee pa. Pero maganda naman yung place.

Then we also tried Moro sa Ateneo. Mas mura kasi 200 per hour and no guest fee! Sad thing nga lang, kasi merong na-injure sa group namin that night. Tinamaan ng racket sa bridge ng nose nya :( We rushed her to Medical City para ma-X-ray yung nose nya. The next day they told us na she had a nasal bone fracture and may slight scratches sa left eye nya. Wawa naman :( The doctor said na she could go for an operation for the fracture, pero she got a second opinion who said na ok lang kahit hindi. So hindi na lang. [Sayang, kung nagpa-opera sya puede na nyang isabay ang papaganda ng nose hihihi]

4. gym!

And would you believe nakakapag-gym pa ako? Well once a week lang :( Nasasayangan nga ako kasi mga 4 times lang ako nagpunta for the month of February eh. Oh well.

5. Darice's exam

Haaay, eto talaga kelangan karerin.

Ang hirap pa dito, sa Math nila, meron ng silang lesson na time-telling and counting money (bills and coins)! Whatda?!?! Ang hirap kaya ituro sa bata na 3 25-centavo coins equals 75 centavos??? Eh di pa nga marunong mag-add ng double digits si Darice eh! Tapos yung para sa time, kelangan memorized nya yung multiplication table ng 5! As in 5, 10, 15 up to 60! Kahirapan yon ha. Nagcompose nga ako ng tune eh para mabilis nyang mamemorize hihihi.

6. office pre-long-weekend gimik

After 10,000 years, nakainom uli! Had dinner at Fazoli's with my office batchmates, then we were supposed to go bowling or singing sa videoke. Pero nanalo ang videoke. Sadly, yung alam na place ni T sa Eastwood na videoke eh nawawala [or di lang nya mahanap]. So punta kaming Cable Car na mala-My-Best-Friend's-Wedding-videoke-scene ang dating. Pero some oldies were hogging the mic, so dun na lang kami sa baba. The beer drinkers all got the 1L mug draft beer special for 99 pesos. [No choice, kasi yung San Mig Light nila na one bottle costs 49 bucks! Ang mahal]

Went home around 1 am. Which Dar did not like. Next time na yung kuwento sa mga sexist reasons nya :P

7. family reunion of sorts

Buti pa si Daddy, tanggap na tanggap na nya yung situation ko na kahit sino sa pamilya nya na makaalam about me eh okay lang sa kanya :)

Met up with my cousin Ate Eva, who I haven't seen for ages kasi she migrated na sa States with her husband. Hehehe, palakihan kami ng balakang! Ang sexy kasi namin dati eh, ayan naglobohan na kaming dalawa hehehe.

8. Armand's good-bye gift

So, nagresign na si A, my 6'2" seatmate. Di na nya tinuloy yung next 6 months na probie sya. Na-bato na ng tuloyan sa office nyahahah.

Since everybody was busy-busy sa MMS, ako na ang umako ng pag-isip ng token for him. Haggard, kasi lumabas na naman ang aking craftiness. Saw these rubber foam thingies sa National, and sa sobrang tuwa ko, ginamit ko sa naisip ko na scrapbook for A. Na-touch naman sya heheh, well dapat lang noh! ^_^

9. somebody hogging the computer

Alam naman nating lahat na isang Ragna Cum Laude si Dar. Everything is second to Ragna. If I cannot wait, then sasabahin nya na "Eh kasi di ka makapaghintay eh!". Pero ang totoong rason don "Eh di ka na umalis dyan sa harap ng computer eh *$(&^(#&(*&%@%$!"

10. just tamad :(

Haay... just had a very busy busy busy last two weeks of Feb and so I'm so bushed. I'm so tamad na to get off the bed after wall climbing/badminton gym. I'm so tamad na after *finally* puede nako gumamit ng computer. Ang gusto ko na lang talagang gawin is to sleep.

Which I'm going to do right now.

Toodles and g'night! ^_^

No comments

Post a Comment