Hmmm.

Darice is 2nd honors in her class! Mana uli sya sa Papa nya kasi second honors lang, pag first honors, sakin sya mana :P

Actually, nakalagay sa honors list, third lang talaga sya. Eh tsinismis ng anak ko na yung second honor daw eh wala, hindi na daw pumapasok sa school (nasa States daw). So sabi ko sa kanya, eh di second honor ka na nga!!! Mukhang ayaw maniwala, baka mag-expect lang daw sya wehehehehe.

And and and, Most Attentive sya! I couldn't freaking believe it! Sobrang low attention span kaya sya sa bahay! :P Well, I guess sa school, it's a different story.

Nakakatawa lang kagabi, nung binabasa nya yung mga other awardees, ang taray nya! Sinasabi nya, "Eh bakit si [name of kid 1] ang friendliest? I can't believe [name of kid 2] is most neat. [Name of kid 3] is best in language?!?" Waaah, manang-mana samin ni D, batang-bata pa lang, nang-o-okray na!!! Hahahahaha :))

---

Last night, D and I ate like pigs at Dampa sa Libis. Again, with his officemates.

Andaming food. As in.

May talaba, hipon (garlic and sinigang), tilapia, tahong, and sinigang sa miso. Pinagtripan ko kagabi yung talaba and tahong, nakakatamad kasi maghimay ng hipon. Natakot nga ako kagabi kasi nung patulog nako parang something was not right with my tummy. Baka umeepekto pa lang yung pagkahiyang ko sa talaba. Well, my stomach never had any problems with oysters, kaso andami ko kasing nakain na talaba. As in.

---

Sporty na naman ako. Malapit ng matapos ang basketball season (next week na ang gera, esta, finals :P), at eto may ipapalit na naman akong sport -- badminton.

Grabe, after ten thousand years nako nakapaglaro ng badminton?!? Last time yata was last year nung merong natamaan samin sa ilong [hehe, hindi po ako yon]. And I distinctly remember around Feb yun last year.

Goodness. May pabili-bili pa si D saking raketa di ko rin naman nagamit ng sulit :P

'Di bale, if itutuloy ni Badmin Coach L ang plano nya, magagamit ng husto ang raketa ko :P

---

Ang hirap magbudget ng pera.

Lalo na pag may naibudget ka na, tapos biglang merong magka-crop-up na gastos, na sana eh nasabi agad para nagawan ng paraan.

Gusto ko ng makapag-ipon.

At maging milyonarya :P

---

always
PostSecret

all i needed was the love you gave
all i needed for another day
and all i ever knew
only you

Yaz - Only You

---

Toodles! :D

2 comments

  1. Anonymous5:17 PM

    I love Postsecret. And I love that postcard you put up in this entry. :)

    ReplyDelete
  2. i love it when postsecret posts a happy postcard :)

    ReplyDelete