Mula kay Nena

Salamat sa WayBackMachine, nahanap ko ang sagot ni Nena sa aking sinulat na Para kay Nena. Aking ibabahagi na rin sa blog na 'to bilang pag-alaala sa buhay ni Nena.




Ngayon lang ako nakabasa ng isang essay na tungkol sa akin. Una kong reaksyon? Surprised, touched, flattered, afraid, relieved and happy all at the same time. Kakaiba. Salamat, mare, for making me feel these emotions. Before you read further, please don’t expect that this will be a literary piece. This is just an outpouring of thoughts, not carefully written and organized. In which I hope missyosigirl will find honesty and sincerity.

Paano ko nga ba ito sisimulan? Umm… I’m back? May pasalubong akong dala para kina missyosigirl at grace – kape. Para malaman nila bakit ako sobrang nag-rave sa kape dun sa sulat ko. Sobrang sarap naman kasi talaga e. But no, hanggang ngayon, di pa rin nila natitikman kasi failure at an attempt ang pagsangag ng kape.

Pero di lang kape ang baon ko para sa mga friends ko. Higit sa lahat, ay ang dala kong karanasan – mayaman at puno ng aral. Kahit na ilang beses ko na nabasa na matindi ang kahirapan sa bansa natin, malayo pa rin sa inaasahan ang nakita kong kalagayan doon.

Grabe, naawa talaga ako sa Pinas. Sobrang third world. To the point na karamihan pa rin sa mga baryong napuntahan namin, paa ang ginagamit to cultivate the land. Kahit simpleng araro at kalabaw wala. Sa panahong ito ng robotics and high-technology, ganitong klaseng method pa rin ang ginagamit ng mga magsasaka natin. Tapos ang daming cases ng ancestral lands confiscated by the government and declared as public domain. Meron na ngang historic neglect of basic social services (the few existing schools there employ the multi-grade system, most barrios do not have health clinics, and there are very few to no basic facilities at all for water and electricity), aagawan mo pa ng kabuhayan.

Syempre, para sa kanila, land is life. Sabi nga nila, “Nusa pipa makaugud, manugud kan di taku…” (“If the land could speak, it would speak for us…”) The unjust inequality and the systematic oppression cannot be more evident. But I’m sure you already knew this. Alam naman nating lahat na may pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap. Nagkakatalo lang naman tayo kung paano natin hinaharap ang mga ito.

Ikukuwento ko muna ano'ng ginawa namin sa harap at sa gitna ng ganitong mga atake sa buhay at karapatan. Hindi naging mahirap ang ipaintindi sa mga taga-roon na mali ang mga nangyayari, na wala tayong maasahan sa kasalukuyang gobyerno, na ang redemption natin ay magmumula lang talaga sa atin. Sila na mismo ang nagsasabi nito. Ang tanging papel na ginampanan namin ay ang pagtitipon ng kanilang mga ideya at pagbabalik nito sa kanila. Para ipakita na tayo ay isang very powerful and able force in building a just and self-reliant society.

Dahil basic problem ng community doon ay ang napakababang production, first thing we did was to revive the tradition of bayanihan among members of the community. Unti-unti na kasi ito nawawala dahil mas nagiging individualized na ang pagtatrabaho sa palayan. Tapos, nagtayo ng rice cooperative na very minimum ang interest rates – 2% -10% lang, instead of the usual 20%.

Nagkaroon din ng project ng expansion ng palayan. At naging successful din ang campaign sa mga magtatabako na itaas ang presyo ng produkto nila. Lahat ng tagumpay na ito nakamit dahil sa pagkakaisa ng mga magsasaka doon. Collective action has always been a potent medium for change.

All these have been very fulfilling for me. Yung madama mo ang konkretong ginhawa na nako-contribute ng efforts mo. Na bahagi ka ng napakalaking pagbabago. Dagdag pa diyan ang nakakapasong pagtanggap at appreciation ng mga magsasaka doon. Indeed, they go out of their way just to make us feel comfortable. Kahit na sobrang krisis sa baryo, maghahanda pa rin sila ng mga pagkain. Lagi nga silang nagkakatay ng manok o baboy pag dumating kami. Kakaiba. Who wouldn’t be inspired and driven to do more?

So, what are my plans now? Walang pag-aalinlangan, ipagpapatuloy ko ito. Lahat ng nakita ko dun only strengthened my resolve. Nung nandoon ako, wala namang humingi ng diploma sa akin bago nila ako pakinggan at paniwalaan. Hindi kailangan ng medalya at diploma para paglingkuran ang sambayanan. And definitely, for me, this is the most direct and effective way. Di hamak na mas malaking kontribusyon ito kaysa kung naging engineer ako.

Sabi ko nga kanina, sa form lang naman tayo nagkakatalo. Lahat naman tayo gusto magcontribute sa pagbabago. Pero bakit ito pinili ko? Because I wanted to more than just contribute to the much-needed change. I want to live it. At paunlarin pa ito. Kaya ko pinili ito dahil naniniwala ako dito. Hindi lang siya something you imagine na sabi ni john. I don’t think this is a hopeless cause. Sabi nga ni Sir Gelacio Guillermo, isang magaling na manunulat at propesor sa up, “It will be so much the worse for us if we believe that life cannot be changed.”

And because of this, I don’t think sayang ang buhay ko. In fact, I’m making this a life worth living para sa lahat ng mga taong mahalaga at nagbigay-halaga sa buhay ko. I’m thinking, ito actually dream ko nung bata ako. To live my life with passion. At natutuwa ako kasi I’m doing ok. Sure, hindi siya stable at peaceful na buhay. But who has a stable and peaceful life, really? =)

I’m not doing a very good job explaining myself. Which is why I know I wont be doing a good job of saying goodbye once again. I just want to say that more than anything else, uulitin ko, na ito ay para sa mga taong mahalaga sa buhay ko. Ayoko isipin niyo na act of betrayal ito, rather, a labor of aching love.

Naniniwala ako na “a true revolutionary is guided by great feelings of love.” Kahit ang galit na nararamdaman ko sa kabulukan ng mundo ay bunga ng pagmamahal sa ating lahat na biktima ng ganitong karahasan.


Mapoot at magmahal.

No comments

Post a Comment